Wednesday, August 14, 2013

Basketbol

Malaking parte nang aking kabataan ang manood nang basketbol. Kadalasang sa tv lang ako nakakanood, lumaki ako na ang channel sa bahay ay naka-schedule  sa panonood nang basketbol. Tanda ko pa ch.4 pa lang ang PBA noon, at kadalasan ay high-scoring ang mga laro. Madalas na si Ramon Fernandez pa o c "El Presidente" ang best player or di kaya may mga fans na nagkakagulo dahil sa Ginebra ang naglalaro.

Ang aking yumaong Lolo Carding, ay isang panatiko. Tuwing may PBA Draft, nakatutok na iyon sa TV. Isang oras bago magsimula, bawal ilipat ng ibang istasyon. May hawak na iyon na ballpen at papel para isulat ang nai-draft nang bawat team. Tuwing may laro naman, bawal din ilipat ang channel. Magtatampo panigurado ang aking Lolo. Dahil sa laki ng impluwensya nang aking Lolo (at nang aking buong pamilya) lumalaki akong nakatutok sa bawat aksyon sa basketbol - mapa- PBA, NBA, PBL or UAAP.

Noong una, may halong inis akong nararamdaman tuwing hindi ako nakakapanood nang TV pag araw nang basketbol. Ngunit unti-unti, sinasamahan ko na ang aking Lolo sa panonood. Walang bukang bibig ang aking Lolo na si Ramon Fernandez ang pinakamagaling na manlalaro sa PBA. Laging sinasabi ni Lolo na si "El Presidente" lang ang halos may statistics  sa bawat departamento mapa-assists, steals, blocks, rebounds at lalo na sa scoring. Oo nga naman, walang lusot sa statistics kahit pa tignan natin ang PBA Annual book.

Die hard San Miguel Fan ang lolo ko, samantalang Ginebra fans ang mama at tito ko. Ang papa ko naman, dahil sinasabi niyang kababayan at malayong kamag-anak si Vergel Meneses - Presto o di kaya paglaon ay naging Swift at Sunkist. Ang saya sa bahay kanya kanyang kampihan. Syempre, ang kinakampihan ko noon ay ang team nang lolo at mama ko.

Pag tagal nang panahon at lalo na nung lumalaki na ako- isa sa mga unang tumatak na player sa akin e si Wes Matthews import nang Ginebra. Madalas na tuwing naglalaro kami nang basketbol ng nakakabata ko na kapatid , at nakatira ako o sya nang 3pts, madalas kong nasasabi ang "Wes Matthews, 3 points". Maaring iyon din ang naging simula bakit ako naging panatiko nang Ginebra.

Nagdalaga ako. Grade 5 or 6 - palaging sweep ang Ginebra sa Purefoods or Alaska. Manalo man nang isa, sabihin tsamba. Noong panahon ding iyon, naghari ang Chicago Bulls sa NBA , Stag sa PBL at UST sa UAAP. Nauso ang scoreboard magazine, bumibili ako palagi noon - nag-a-abang nang write ups sa mga paboritong team at basketball players. Dahil hindi pa laganap ang internet- doon lang ako nakakakuha nang clippings at pictures. Tanda ko pa, nag-gu-gupit ako madalas sa Tempo, Abante at Philippine Daily Inquirer noon.

Sino ang makakalimot sa "Hot Stuff", kahit replay na ang ibang episodes, sige pa rin sa panonood. Dahil iyon ang nagbibigay nang opportunidad makita natin ang buhay nang mga players sa labas nang basketball arena. Third year HS ako nang magchampion ang Gordon's Gin. Grabe ang saya, nagiisip pa kami na pumunta sa victory party nila. Ibang klaseng import si Chris King at collective team effort nang Gordon's Gin.

Kaya siguro malaking impluwensya din na sumali ako sa sports club noong nasa HS ako. Oo, basketbol ang laro ko at volleyball. Pero mas tumatak talaga ang basketbol. Hanggang ngayon, may isang kaklase ako noong HS na hindi niya makalimutan ang attempt ko na mag - tapboard. Kaloka. Bakit ko nga ba ginagawa yun. Influence.hehehe. 

Unang panonood ko sa Araneta Coliseum ay playoffs nang Ginebra at San Miguel. Kalakasan pa ni Danny Ildefonso at Danny Seigle. Natalo man ang Ginebra, ayos lang. Doon ko mas na-appreciate ang laro at natutong uma-appreciate nang laro nang kalabang team.

Nasundan pa iyon nang maraming panonood. Ang paghabol namin sa championship game nang ginebra vs red bull noong 2004. Nagmamakaawa kami sa Prof namin sa Guidance and Counseling na i-cut short ang klase dahil hindi kami aabot. Pumayag naman. Dali-dali kaming sumakay nang mrt, ngdadasal na sana umabot kami. Kahit naka-puting uniform pa. Ayos lang. Makapanood lang. Nagpumilit kaming dalawa ng kaibigan kong si Pong noon na makapasok sa dug-out. At oo nakapasok kami, maaring namukhaan nang isang guard ang aming uniform, at sabi nia "Uy, taga-Manila Doctors, lagot kayo kay Dean Minda", - opportunidad. Hahaha!. Kaya nakiusap kami, at nakapasok naman. Unang bumungad si Erick Menk - wow- hanggang waistline lang ba talaga kami? Ang tangkad. Sumunod si Andy Seigle, pagkatapos si Coach Siot. Ang ganda nang sinulat na dedication message sa notebook ni Coach sa akin "Arn, Follow your dreams" medyo nalungkot naman ang kaibigan ko kasi nakasulat sa kanya " Goodnight, Sweetdreams". Sabi ko at least sweet si Coach..

Eto na nga, maya maya dumating na ang pinakakahintay ko- Wahhhh,, JayJay Helterbrand - for real! Sayang, wala pa akong camera phone, wala pa din akong digital camera. Sayang, nanghihinyang ako. Pero ok lang nahawakan ko naman ang biceps nia. Forever na yun nakatrademark sa utak ko. Siyempre kasama din niya si Mark Caguioa. Pero yun nga- si JayJay talaga ang gusto kong makita. So sobrang saya talaga. Haii, wala nang tao, nakauwi na lahat. Pero ansaya nang feeling. Yikes, panatiko na nga. 

Nasundan pa iyon ng mga maraming panonood - kasama ang mga kaibigan, pamilya, boyfriend now asawa at yumaon pati anak ko kasama na din. So ang saya. 

Ang basketbol, sabihin man nila na pang matatangkad na tao lang, ang naibibigay nito na saya sa bawat Pilipino, hindi mapapantayan. Sabihin man nilang, may ibang sports na puwedeng pagtuunan nang pansin subalit ang Basketbol, hindi mawawala sa Pinoy. Mula sa impluwensya nang mga nakakatanda sa atin, hanggang sa mga makabagong henerasyon- hindi na maiaalis ang Basketbol. Panigurado sa isang kalye malapit sa inio, kahit maliit na basketball court meron. Ganyan kalaki ang impact  nang basketbol sa Pilipino. 

Kaya ngayong nakabalik na nga sa "mapa nang basketbol" ang Pilipinas, gawa nang katatapos pa lamang na FIBA Asia Cup 2013, napakalaking kagalakan ang naidulot nito sa bawat Pilipino. Dati-rati, Boksing ngayon Basketbol na.  Ang supporta natin sa mga kababayan natin, walang makakapantay. Kahit san ka pa o kung sino ka pa - basta Pinoy na ang nasa spotlight panigurado sabi nga nila "suportanta ka".